Tuesday, December 8, 2009

Do Ut Des

Nanonood ako ng 2012 mula sa isang pekeng DVD (OMB spare me) ng tumawag ang tita ko kaninang mga 1PM.. mahina ang boses niya... at talagang kelangan ko i pause ang palabas para lang marinig siya... di ko na susulat dito ang napag usapan namin.. basta isa itong "emergency call" .... sabihin na nating.. pabor... nung una... akala ko tungkol ito sa lolo ko (na kelangan ng dialysis tuwing Tuesday at Saturday)... pero
para pala sa lola ko.. na..sa totoo lang e..mas mahina pa kesa sa lolo ko.. may cirrhosis at ngayon eh candidate for the lung's big C at PTB (just imagine how complicated her status is and how slim the treatment options are)

So ganito na nga --- nung matapos ang usapan, binaba ang telepono at nagsuot kagad ako ng jeans.. kinuha ang susi ng kotse at umalis kagad papunta sa bahay nila sa paranaque.. teka wag kalimutan ang nurses kit na naglalaman ng steth, bp app, cotton balls, alcohol, at iba pang essentials.. as usual nagpakabibo na naman ako at feeling ko e ambulansya ako.. pagdating ko dun.. syempre.. hindi ko nakalimutan ang ADPIE ng nursing... inassess ko ang kalagayan ng lola ko.. andaming nursing diagnosis.. planned my actions and implemented them... (charing!!)---- pero isa sa mga ginawa ko eh ang pag inject ng 1g Streptomycin IM as per doctors order.. imbis na ilabas ang lola ko (usually kasi dinadala siya sa ospital malapit sa kanila para dun) pero dahil nanghihina siya at parang ayaw gumalaw --- dun nalang mismo maginiksyon.. at ako ang maglalagay (tutal RN naman ako~~ at aware ang mga attending ni lola tungkol dito... pinayagan ako na maglagay)

ang order eh 1g streptomycin in 1.5ml sterile water deep IM... so prinepare ko na yun (following strict aseptic techniques syempre... lagot ako kay Ma'am Subido pag nalaman niyang hinde) --- grabe ang hirap tunawin... siguro mag 4 na minutong pagshake and roll onto palms ang ginawa.. tinulungan narin ako ni tita mag prepare ng mga gagamitin... so eto na... assume comfortable position.. warn about possible discomfort.. alcoholize injection area... inject... aspirate -- no blood... proceed.. withdraw needle and place pressure over site with cotton ball... then assess for reactions..

nakaraan ang ilang minuto eh nagpaalam na ko... pero bago yun eh.. sabi ni lola "macky kunin mo yun (habang nakaturo sa perang nakapatong sa may cupboard)" ---- ako naman eh tumanggi (oo marunong naman ako tumanggi... kahit may temptation haha) --- sabay sabi "bakit pag specialist at attending physicians ang nag quote ng PF sa inyo eh sumasama loob niyo... " sa loob loob ko kamaganak ko kayo , mahal ko kayo at gusto ko tong ginagawa ko.. isa pa "yun lang" naman ginawa ko.. kung ikukumpara sa mga attending niyo na life saving procedures ang ginagawa (refer to previous post: Bargaining for Your Health) ... walang wala ang aking ginawa at di karapat dapat ng compensation.. isa pa eh wala pa akong experience na kumita ng pera dahil sa serbisyong nirender ko... (maliban kung kasama sa listahan ang pagiging pasaway na studyante at tumanggap ng allowance)


In cases like these, especially in our country, it's automatic for us to say "no PF" for friends, neighbors and family counting on our culture of "utang na loob" and belief in karma.. i also believe that rendering (high quality) service especially to my relatives is my own way of giving back the blessings i've received from the Lord.

Paradoxically, although you didnt quote an amount... they'd give you something "in kind" that most of the time eh sobra pa sa inaasahan mo.. Putting the shoe on the other foot, if i was on the recieving end of such a situation, lumalabas na mas mahal pa to buy a token for them than the actual PF

So bakit do ut des --- i give what you may give... reciprocity kumbaga --- pero sa ganitong pagkakataon... hindi bat sapat na ang rason na "mahal ko kayo... gusto ko tong ginagawa ko" para sa isang serbisyo o pabor... at di na kailanganin ng monetary or "in kind" compensation? whatever ... basta... In everything you do, put God first, and He will direct you and crown your efforts with success

No comments:

Post a Comment