ginawa ko tong blog na to para may malagyan ako ng mga sentimyento at personal kong opinyon sa bagay bagay (pwede narin ang paglabas ng sama ng loob) pero bakit parang seryosong seryoso ang mga nauna kong posts? ---- parang eulogy ba --- wala namang patay
pwede namang may "humor"-- .. at bakit kelangan talagang purong ingles --- ako'y nag eepistaxis dahil sa sarili kong ginagawa..
anyway balik tayo sa kwento ko.. talagang gusto kong maging doktor ... bata pa kami naglalaro kami ng mga kapitbahay ko at pinsan ko ng "doktor doktor" at "doktor quak quak" at paborito kong role eh syempre ang maging pasyente, este doktor.. mas lalo din ako naenganyo sa medesina nung ma uso ang House, Scrubs at kung ano ano pang medical telanobela diyan.. nung 2nd year nursing ako sinabi ko na sa step mother ko... "mama gusto ko maging doktor" ... at natural dahil isa siyang nurse na lalabas na ng bansa para sa "greener pastures"... imbis na iencourage ako na magpatuloy sa pagaaral eh.. sinabihan pa ko na "wala kang kikitain diyan, lalo na kung dito ka sa Pinas".. ganun din naman ang opinyon ng mga lolo at lola ko, tito at tita (mga doktor ang iba sa kanila)... pero ang sa kanila, kaya ayaw nila ko mag doctor eh.. dahil di daw kakayanin ng katawan ko... ewan ko kung kasama na sa gusto nila iparating na di ako matalino...mahirap daw pagdadaanan ko, wag na pahirpan ang sarili.. palagi nila sinasabi ang aking asthma, scoliosis at kung ano anong maladies na patuloy nilang binabanggit para magbago ang isip ko..
pero talagang disidido ako, di man ako ganun katalino, alam ko na kayang dalin ng passion at motivation ko ang sarili ko sa sinusubukan kong tahaking landas~~ pero di nawala ang pag consider ko sa mga sinasabi nila sa akin nung college... minsan napapaisip ako kaya ko ba talaga? o hanggang ganito lang ang para sakin? --- sa totoo lang tuwing nakakakita ako ng doktor sa ward o sa kung san man kami duty nung student nurse pa ko.. eh na iinspire ako.. sinasabi ko sa sarili ko "isang araw... isang araw..." di ko alam pano ko pagpapatuloy ung gusto ko sabihin, isang araw magiging ganun din ako? isang araw magsosoot din ako ng white blazer? isang araw eh susulat din ako sa chart ng order? ano ba?
Pinagbutihan ko nung college, pharma, promotive preventive, med-surg.. at talaga namang nagpakabibo ako sa mga RLE (duty) --- gusto ko talaga yung patient interaction.. yung tipong... makikita mo sila papasok sa floor/ward na nakangiwi at parang in pain.. sisimulan mo ang assessment.. usually kung ano ang haba ng sinabi mo eh yun din ang ikli ng isasagot sayo ng pasyente: "good evening sir ako si mark ang iyong magiging nurse mula ngayong 10PM hanggang bukas ng umaga... ano po nararamdaman niyo?" ----- "di mabuti" o kayay "mamatay na sa sakit"... pero habang tumatagal, para bang gumagaan ang loob niyo sa isat isa ... tinatawag itong transference, alam kong di dapat ito mangyari sa hospital setting pero tulad ng sabi ni Dr. Hunter "Patch" Adams... ---" it is inevitable, one person has an impact on another" .. sa totoo lang mas ginaganahan akong alagaan yung pasyente pag napapalapit siya sakin.. dahil nakikita ko sa kanila ang mga hirap na pinagdaanan ng mga mahal ko sa buhay.. at sinasabi ko sa sarili ko, "di na dapat maulit to"... kaya bibo kung bibo.. matatapos ang duty mo... papaalam sa pasyente... nakasmile sa iyo at may inaabot pang mansanas, o kadalasan eh... Goldilocks mamon
pero di lahat eh may Goldilocks mamon este, smile.. meron ding pagkakataon na.. napalapit ka sa pasyente, inalagaan mo ng ilang araw... (3 days duty per week kami... 8hours per duty) pagbalik mo sa susunod na duty.. mababalitaan mo... "si miss minchin (di tunay na pangalan)... wala na siya" ... syempre nasaktan ako na para bang nawalan din ng kamag anak.. (yan ang pangit sa tinatawag na transference.. in this case countertransference) ... pero ganun ang buhay.. ulit.. si "Patch" Adams, sabi "you treat a disease, you win or lose; you treat a person, you win no matter what the outcome is" ...
Ngayon tatapusin ko ang post na ito sa pag define sa title na "Pulsus Paradoxus" dahil di ko na alam pano tatapusin sa iba pang paraan--- it is an exaggeration of the normal variation in the pulse during the inspiratory phase of respiration, in which the pulse becomes weaker as one inhales and stronger as one exhales
(salamat Wikipedia!! tulad ng sabi ni steph --- aaaalllll ttthheeerreee~ )
No comments:
Post a Comment